OFW bulagta sa tandem

BULACAN, Philippines – Masaklap na bakasyon ang sinapit ng 29-anyos na overseas Filipino worker (OFW) mula sa Singapore matapos ratratin ng riding-in-tandem sa bayan ng Bocaue, Bulacan kamakalawa ng hapon.

Apat na tama ng bala ang tumapos sa buhay ni Carlo Evangelista, dating may-ari ng nabangkaroteng beerhouse na Carlo’s Grill sa Barangay Lolomboy at nakatira sa Barangay Duhat sa nabanggit na bayan.

Sa ulat ni PO3 Kim Salvatierra, nagpapagawa ng motorsiklo ang biktima kay Arsenio Castro sa Barangay Bunducan nang lapitan at pagbabarilin.

Si Evangelista ay umuwi mula sa Singapore para magbakasyon kung saan muling babalik sa trabaho matapos ang isang buwan.

Sinisilip ng mga imbestigador ng pulisya ang anggulong may kinalaman sa dating negosyo ng biktima ang pamamaslang.

Show comments