^

Probinsiya

Magkapatid nilamon ng dagat

- Joy Cantos - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Nabahiran ng trahedya ang masayang picnic matapos na lamunin ng malakas na alon sa dagat ang magkapatid na lalaki sa beach resort sa Barangay Amoslog sa bayan nag Placer, Surigao del Norte kamakalawa.

Sina Archie Española,17; at Vincent Española, 15; ay kapwa bangkay na ng marekober may ilang oras matapos na lumutang sa dagat.

Sa police report na nakarating sa Camp Crame, nabatid na nagkatuwaan ang magkakamag-anak na magpiknik sa Cagbantoy Beach Resort kung saan habang lumalangoy ang mag-utol ay napagawi sa malalim na bahagi ng dagat.

Ilang saglit pa ay namataan ng kanilang mga kasamahan na nagkakawag sa malalim na bahagi ng dagat pero nabigo ng mailigtas dahil sa bilis ng pangyayari.

Kaagad namang nagsagawa ng search and rescue operation ang pulisya at ilang oras pa ay narekober ang bangkay ng mag-utol. 

vuukle comment

BARANGAY AMOSLOG

CAGBANTOY BEACH RESORT

CAMP CRAME

ILANG

KAAGAD

NABAHIRAN

NORTE

SINA ARCHIE ESPA

SURIGAO

VINCENT ESPA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with