Tulak dakma sa 1 kilong 'damo'

BULACAN, Philippines – Rehas na bakal ang binagsakan ng 40-anyos na mister matapos maaresto ng pulisya sa inilatag na buy-bust operation sa Barangay Lawang Pari, San Jose Del Monte City, Bulacan kamakalawa ng hapon. Pormal na kinasuhan ng pulisya ang suspek na si John Joseph Callahan ng Area I sa nabanggit na bayan. Nasamsam ang P2,500 mark money at isang kilong pinatuyong dahon ng marijuana na inaangkat pa ng suspek sa Brgy. Bagong Barrio, Caloocan City mula sa Baguio City.

Show comments