CAMARINES NORTE, Philippines - Umaabot sa P135, 000 halaga ng ari-arian ang tinangay ng mga magnanakaw matapos looban ang Rizal Elementary School sa Purok 2, Barangay Rizal sa bayan ng Sta. Elena, Camarines Norte kamakalawa ng madaling araw. Unang nilooban ang mini library kung saan nagawang tangayin ang flat screen TV 42’ at limang speakers na umaabot na nagkakahalaga ng P65,000. Pinasok din ang tanggapan ng principal at natangay ang ilang kagamitan at pera na umaabot sa P70,000. Nadiskubre lamang ang pagnanakaw bandang alas 7:30 ng umaga matapos mamataan ng gurong si Aida Diocadiz ang kisame na winasak at ang pintuan ng principal office habang patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya.