Brutal na pagpatay sa estudyante kinondena ni Vice Mayor Fernandez

DAGUPAN CITY, Pangasinan, Philippines - Mariing kinondena ni Dagupan City Vice Mayor Belen Fernandez ang brutal na pagpatay sa 14-anyos na estudyante noong Biyernes ng hapon (Hunyo 1) sa liku­rfang bahagi ng eskuwelahan sa nasabing lungsod sa lalawigan ng Pangasinan.

Nag-paabot ng taimtim na pakikiramay si Vice Mayor Fernandez sa mga magulang at mahal sa buhay na naiwan ni Madelaine Faith Goyena kung saan idinagdag pa nito na gagawin ang lahat ng legal na paraan para makamit ang katarungan laban sa mga suspek.

Base sa rekord ng pulisya, si Goyena na incoming 3rd year sa Dagupan City National High School at nakatira sa Sito Palaris, Barangay Malaued ay pinagsasaksak ng suspek na si Dennis Escano, 18, matapos makulitan sa biktima na naniningil ng pautang.

Si, Escano na umamin sa nagawang krimen ay kasalukuyang nakakulong habang ang dalawa pa nitong kasabwat ay pinaghahanap ng pulisya.

Show comments