^

Probinsiya

Board member sa Laguna, driver patay sa ambush

- Joy Cantos - The Philippine Star

Manila, Philippines -  Patay ang isang board member sa Laguna at ang driver nito matapos silang ambusin ng mga armadong kalalakihan sa San Pablo City, Laguna kamakalawa ng gabi.

Samantala, sugatan din naman ang isa sa tatlong suspect matapos na makipagpalitan ng putok sa tinatarget na opisyal.

Ayon kay Laguna Provincial Director Senior Supt. Gilbert Cruz, namatay habang nilalapatan ng lunas sa pagamutan si Laguna 3rd District board member Reynaldo Paras. Una namang nasawi matapos mapuruhan ang driver nitong si Geovanni Dumaraos.

Sugatan ang nasakoteng suspek na si Eugene Bacoto na bantay sarado ngayon sa mga awtoridad sa pagamutan.

Dakong alas-8:10 ng gabi nang maganap ang insidente habang sina Paras at driver nito ay lulan ng kanilang behikulo at bumabagtas sa kahabaan ng Bonifacio Street, Brgy. VII C sa nasabing lungsod nang paulanan ng bala ng mga armadong kalalakihan.

Ayon sa opisyal, sa kabila ng sugatan ay nagawang makipagbarilan ni Paras na ikinasugat ng isa sa mga suspek na inabandona ng mga nagsitakas nitong kasamahan.

Ang suspek ay nasakote sa lugar habang namimilipit pa sa tinamong sugat sa kaniyang katawan.

Nagsasagawa na ng follow up operation ang mga­ awtoridad para sa ikaaaresto ng iba pang mga nakatakas na suspek. Hindi pa naman malinaw kung ano ang motibo sa naganap na pang-aambus.

vuukle comment

AYON

BONIFACIO STREET

BRGY

EUGENE BACOTO

GEOVANNI DUMARAOS

GILBERT CRUZ

LAGUNA PROVINCIAL DIRECTOR SENIOR SUPT

REYNALDO PARAS

SAN PABLO CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with