Mister utas sa akyat-bahay

BULACAN, Philippines  – Napatay ang 27-anyos na mister na sinasabing nakipag-agawan ng gamit sa miyembro ng Akyat-Bahay Gang matapos barilin sa bisinidad ng Barangay Poblacion sa bayan ng Sta. Maria, Bulacan kahapon ng madaling araw. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Joel Pomida ng Dulong Bayan sa nabanggit barangay. Pansamantalang hindi ibinuyag ang pagkakakilanlan ng suspek na nakatira sa Meycauayan City, Bulacan. Ayon kay PO3 Allan Caraan, naaktuhan ng biktima ang pagnanakaw ng akyat-bahay sa kanyang bahay na tumangay ng personal na gamit kaya hinabol nito ang kawatan. Nagalit ang suspek sa ginawa ng biktimang kaya niratrat nito bago tuluyang tumakas. 

Show comments