CAMARINES SUR, Philippines - Napaslang ang magkaibigang dumalo sa kapistahan matapos na pagbabarilin ng mga armadong kalalakihan sa bus terminal sa bayan ng Ragay, Camarines Sur kamakalawa ng madaling araw.
Walong bala ng cal. 45 pitol ang tumapos sa buhay ni Joel Dulfo, 26, ng Barangay Poblacion Iraya habang anim na bala naman ang tumapos sa buhay ni Jessie Angulo, 29, ng Barangay Amomopoc na kapwa idineklarang patay sa Bicol Medical Center.
Nabatid na naghihintay ng masasakyan sa Raymund Bus Terminal nang lapitan at hablutin ng mga di-kilalang lalaki ang bag ni Angulo subalit nanlaban ito kaya niratrat.
Sumaklolo naman ang kaibigan nitong si Dulfo subalit maging siya ay pinagbabaril.
Sinamantala naman ang gunmen ang pagkakagulo ng mga taong nasa bus terminal saka tumakas.