^

Probinsiya

BAR chairman itinumba

- Ni Christian Ryan Sta Ana -

CABIAO, Nueva Eci­ja, Philippines – Binaril at napatay ng isang nagpanggap na humihingi ng tulong na magsasaka ang isang Barangay Agrarian Reform (BAR) chairman sa kanyang tahanan sa Brgy Santa Isabel, ng bayang ito, kamakalawa ng gabi.

Idineklarang dead-on-arrival sa Duque Clinic ang biktimang si Elena Monroy, 56-anyos, may-asawa at BAR chairman sa kanilang lugar. Isang tama ng bala sa kanang bahagi ng kanyang mukha ang kumitil sa kanyang buhay.

Inilarawan naman sa pulisya ng mga nakakita sa pangyayari na ang suspek ay isang lalaki, nakasuot ng long sleeve polo at may puting t-shirt na panloob at kulay beige na pantalon.

Lumalabas na dakong alas-6 ng gabi nang magtanong umano ang hindi nakilalang suspek sa isang tindahan malapit sa bahay ng biktima at inalam dito kung nasa kanyang bahay ang target na biktima.

Kumatok pa umano ang suspek sa bahay ng biktima at ng pagbuksan ng pinto ay pinaupo pa matapos magpanggap na magsasaka na hihingi ng tulong. Agad namang pinagbabaril ng suspek ang biktima hanggang sa duguang bumulagta saka ito mabilis na tumakas.

vuukle comment

BARANGAY AGRARIAN REFORM

BINARIL

BRGY SANTA ISABEL

DUQUE CLINIC

ELENA MONROY

IDINEKLARANG

INILARAWAN

ISANG

KUMATOK

NUEVA ECI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with