16-anyos nagbaril sa bibig
CAVITE, Philippines – Pinaniniwalaang may matinding problema sa nalalapit na pasukan sa eskuwela kaya nagdesisyong magpakamatay ang 16-anyos na tinedyer sa loob ng kanilang tahanan sa Barangay Macario Dacon sa bayan ng General Mariano Alvares, Cavite kahapon ng umaga. Nagbaril sa bibig ang biktimang si Michael Mabute ng Lower Quarry Site sa nasabing lugar. Ayon kay PO1 Jayson Feranil, gumamit ng sumpak ang biktima sa pagpapakamatay dakong alas-9:30 ng umaga kung saan narinig pa mismo ng kanyang inang si Ginang Evelyn Mabute ang putok ng sumpak.
- Latest
- Trending