CAVITE, Philippines – Kamatayan ang sumalubong sa 30-anyos na street sweeper habang malubha naman ang kasamahan nito makaraang tamaan ng kidlat habang nagwawalis sa bisinidad ng Sta. Barbara Street sa Barangay 53-B, Sangley Point, Cavite City, Cavite kamakalawa ng umaga. Kinilala ang biktima na si Rodolfo Baquiano habang kritikal naman si Jeric Anciado, 18, kapwa nakatira sa C. Dones St., Brgy 42, San Antonio, Cavite City at kawani ng Sweeper Under Haresco General Services. Naisugod pa sa Major Danilo S. Atienza Air Base Hospital sa Sangley Point si Baquiano subalit idineklarang patay habang si Anciado naman ay dinala sa Naval Hospital sa Samonte Park kung saan inoobserbahan dahil sa matinding pagkasunog ng katawan.