Mister dinedo sa tindahan

CAVITE, Philippines - Pinaniniwalaang napagtripang ratratin hanggang sa mapatay ang 45-anyos na mister ng isang lalaki na sinasabing adik sa bawal na droga sa Barangay Malagasang 1-E sa bayan ng Imus, Cavite kamakalawa ng gabi. Napuruhan sa ulo si Dennis Aquino, 45, may-asawa, ng Soldiers Hills P4, Las Piñas City. Habang tugis naman ng pulisya ang suspek na si Rolando Dayrit, 58. Lumilitaw sa imbestigasyon ng pulisya, nakikipag-inuman ng alak ang biktima kasama ang ilang kaibigan nang lapitan at pagbabarilin ng suspek. Nabatid na dumalaw lamang ang biktima sa kanyang ina nang maganap ang krimen.

Show comments