Istriktong manager itinumba

KIDAPAWAN CITY, Philippines – Napaslang ang 52-anyos na manager ng car wash center matapos hambalusin sa ulo ng isang trabahador na sinibak sa trabaho sa Barangay Lanao, Kidapawan City, North Cotabato kamakalawa ng gabi. Basag ang bao ng ulo ni Josefa Puerto habang tugis naman ng pulisya ang hindi pa pinangalanang suspek. Nabatid na madalas pagalitan ni Puerto ang kanyang mga trabahante kung saan isa sa trabahador ay sinibak nito. May teorya ang mga trabahador ng Lucero Car Wash na isa sa mga tinanggal sa trabaho ang nasa likod ng pagpatay.

Show comments