2 karnaper utas sa shootout

NUEVA ECIJA, Philippines – Dalawang kalalakihan na sinasa­bing tumangay ng motorsiklo ang iniulat na nasawi matapos makipagbarilan sa mga ope­ratiba ng pulisya sa bahagi ng Barangay Aduas Centro sa Cabanatuan City, Nueva Ecija kamakalawa ng madaling-araw. Sa police report na nakarating kay P/Supt. Eli Depra, hepe ng Cabanatuan City PNP, kasalukuyang ina­alam ang pagkakakilanlan ng dalawang napatay. Lumilitaw na inilatag ang follow-up operation laban sa dalawang karnaper matapos tangayin ang motorsiklo nina Charlene Espiritu, Jefferson Esguerra, at Kimberly Torres ng Barangay Villa Ofelia. Bandang alas-2:45 ng madaling-araw nang mamataan ng pulisya ang dalawa na magkaangkas sa motorsiklo kaya nagkaroon ng habulan kung saan nauwi sa shootout. Narekober ang dalawang baril, plastic sachet ng shabu at ang ninakaw na motorsiklo.

Show comments