Misis dakma sa drug bust
KIDAPAWAN CITY, Philippines – Rehas na bakal ang binagsakan ng 40-anyos na misis matapos masakote ng pulisya sa inilatag na buy-bust operation sa Kidapawan City kamakalawa ng gabi. Pormal na kinasuhan ang suspek na si Nancy Cagas Bergonia na sinasabing 5-araw na isinailalim ng mga tauhan ni P/Chief Insp. Ritchel Alocelja, deputy chief ng Kidapawan City PNP, sa surveillance. Puntirya rin ng pulisya ang mister ni Nancy na si Henry Bergonia subalit hindi inabutan sa buy-bust operation. Ayon kay Alocelja, ang mag-asawang Bergonia, ay nasa watchlist ng PNP at ng Phil Drug Enforcement Agency. Nasamsam kay Nancy ang dalawang plastic sachet ng shabu at marked money na P500.
- Latest
- Trending