Mister iniwan ng misis, nagbigti

CEBU CITY , Philippines – Kusang nagpasalubong kay kamatayan ang 29-anyos na mister na sinasabing iniwan ng kanyang misis matapos itong magbigti sa loob ng kanilang tahanan sa Barangay Mangcao sa bayan ng Ginatilan, Cebu noong Huwebes.

Lumilitaw na bago maganap ang insidente ay nasampal ni Edwin Medel ang kanyang ka-live-in na si Marites Tugahan matapos magtalo noong Linggo.

Kaagad namang umalis ng babae para iwasan ang anumang susunod na magaganap at nagtungo sa kanyang ina na si Cirila Tuguhan.

Dito na nagdesisyon si babae na iwanan si Medel subalit tumanggi ito kung saan tinangkang saktan naman ang ina ni Marites.

Dumulog naman sa barangay chairman ang mag-ina kaya pinatawag si Medel para magpaliwanag sa kanyang ginawa.

Hindi naman sumipot si Medel sa barangay hall at nag-text na lamang kay Marites na magtungo sa kanilang bahay para masaksihan ang pagpapakamatay.

Nang matanggap ang text, ay nagmamadaling tinungo ni Marites ang kinaroroonan ni Medel kung saan bumulaga sa kanya ang nakabiting ka-live-in. Freeman News Service

Show comments