Bata todas sa butete, 3 pa naratay
MANILA, Philippines - Isang 11-anyos na batang lalaki ang nasawi habang tatlo pa nitong kapatid ang naratay sa pagamutan makaraang malason sa iniulam na isdang butete sa isang liblib na lugar sa Brgy. Bagatayam, Sogod, Cebu kamakalawa.
Kinilala ang biktima na si Melvin Coming, binawian ng buhay, anim na oras matapos na kumain ng butete sa hapunan.
Patuloy naming nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang mga kapatid nitong sina Junriel, 17; Jessa, 14 at Niño,13 anyos.
Sa ulat ng Cebu Police, pasado alas- 6 ng gabi ng iulam ng magkakapatid ang isdang butete sa kanilang hapunan pero ilang oras pa ay nakaranas ang mga ito ng pananakit ng tiyan, pagkahilo, pagsusuka at pamamanhid ng katawan bunsod upang isugod ang mga ito sa pagamutan.
Patuloy naman ang paalala ng lokal na pamahalaan at ng Provincial Health Center na huwag kumain ng butete dahilan nagtataglay ito ng toxin o lason na maaring ikamatay ng sinumang indibidwal.
- Latest
- Trending