Pulis pinabulagta

CAMARINES NORTE, Philippines – Isa na namang pulis ang iniulat na napatay matapos ratratin ng nag-iisang di-kilalang lalaki habang ito ay nagdya-jogging sa bahagi ng Sitio Talagpucao, Barangay Catioan sa bayan ng Capalonga, Camarines Norte kahapon ng umaga. Kinilala ni P/Senior Insp. Rodel Pili ang biktima na si SPO1 Salvador Vasquez Jr., 54, ng Barangay Dogongan sa bayan ng Daet. Ayon sa ulat, nag-iisang tumatakbo ang biktima nang salubungin at barilin ng di-kilalang lalaki.

Show comments