Senglot lasog sa tren

QUEZON, Philippines - Wala pa halos isang buwan ang nakalipas kung saan tatlo-katao ang ini­ulat na nasawi sa pagragasa ng tren, isa na namang panibagong aksidente ang iniulat na naganap matapos masagasaan ng tren ang 26-anyos na senglot kamakalawa ng madaling araw sa Barangay Mangilag Sur sa bayan ng Candelaria, Quezon. Nagtamo ng grabeng sugat sa ulo at halos madurog ang katawan ng biktimang si Billy Alcantara, may-asawa, ng Purok 4 sa nasabing barangay. Hindi naman nakuha ang pangalan ng operator ng train dahil sa nagpatuloy ito sa pagbibyahe  matapos ang aksidente. Ayon kay SPO3 Menardo del Mundo, dakong alas-2:30 ng madaling araw ay lasing na naglalakad sa gilid ng riles ang biktima nang mahagip ng tren na patungong Bicol kung saan nakaladkad pa ng ilang metro.

Show comments