^

Probinsiya

MNLF vs MILF rebs: 287 pamilya nagsilikas

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Umaabot sa 287 pa­milya ang nagsilikas matapos sumiklab ang bakbakan sa pagitan ng magkalabang grupo ng mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Moro National Liberation Front (MNLF) sa bayan ng Carmen, Cotabato kamakalawa.

Ayon kay Col. Prudencio Asto, hepe ng Public Affair’s Office ng Army’s 6th Infantry Division, bandang alas-6 ng umaga nang magsagupa ang grupo nina MNLF Kumander Teo Minanimbong at Kumander Karim Sagadan ng MILF 110th Base Command sa bisinidad ng Barangay Tonganon.

Lalong naging magulo ang sitwasyon matapos na makilahok sa sagupaan ang mga Civilian Volunteer Organization kung saan nasugatan si Abubakar Ali, lider ng grupo ni Mina­nimbong na isinugod sa Aleosan District Hospital.

Tumagal ng 15-minuto ang sagupaan bago humupa matapos rumes­ponde ang tropa ng Army’s 7th Infantry Battalion.

Samantala, sa takot na maipit sa sagupaan ay nagsilikas naman ang may 287 pamilya mula sa Barangay Tonganon at nagtuloy sa mga evacuation center habang ang iba pa ay nakituloy sa kanilang mga kamag-anak.

ABUBAKAR ALI

ALEOSAN DISTRICT HOSPITAL

BARANGAY TONGANON

BASE COMMAND

CIVILIAN VOLUNTEER ORGANIZATION

INFANTRY BATTALION

INFANTRY DIVISION

KUMANDER KARIM SAGADAN

KUMANDER TEO MINANIMBONG

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with