^

Probinsiya

Bus hulog sa bangin: 20 sugatan

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Nakaligtas sa kamata­yan ang dalawampu-katao na kinabibilangan ng mga estudyante at madre na nasugatan makaraang mahulog ang mini-bus sa may 30-metrong lalim na bangin sa Barangay Igmaya-an sa bayan ng Don Salvador Benedicto, Negros Occidental kahapon ng tanghali.

Sa inisyal na ulat ng Negros Occidental Provincial PNP Office, naganap ang insidente sa nasabing lugar bandang alas-11:15 ng tanghali.

Ang mini-bus na pag-aari ng Don Bosco Technical Institute na minamaneho ni Francis Ledesma ay nagmula sa Cebu City lulan ang mga estudyanteng kalahok sa youth camp de­legate at ilang madre nang mangyari ang sakuna.

Patungong Mt. Bucal sa bayan ng Murcia ang mga biktima upang lumahok sana sa summer camp nang magloko ang preno ng bus at hindi nakontrol ng driver ang manibela nito kung saan ay tuluy-tuloy ito sa bangin.

Ang mga nasugatan ay mabilis na isinugod sa ospital na karamihan ay dinala sa Bacolod City.

BACOLOD CITY

BARANGAY IGMAYA

CEBU CITY

DON BOSCO TECHNICAL INSTITUTE

DON SALVADOR BENEDICTO

FRANCIS LEDESMA

MT. BUCAL

MURCIA

NEGROS OCCIDENTAL

NEGROS OCCIDENTAL PROVINCIAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with