Bading kinatay

MANILA, Philippines - Aabot sa 21 saksak ng patalim ang tumapos sa buhay ng isang bading na inabandona ang bangkay sa madamong bahagi ng Real Estate Development Corp. sa Bacolod City kamakalawa ng hapon. Sa ulat ng Bacolod City PNP na nakarating sa Camp Crame, natagpuan ang bangkay ng biktima ng isang obrero na napadaan sa nasabing lugar. Inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan dahil walang makuhang identification card. Ayon sa pulisya, ang biktima ay nakasuot ng kulay puting sleeveless shirt, puting skinny jeans, may mahabang hikaw at kayumangging tsinelas. Nasa 5’0 talampakan ang taas ng biktima na tinatayang nasa pagitan ng edad 20-26 at katamtaman ang kutis. Nanawagan ang pulisya sa mga pamilyang may nawawalang mahal sa buhay na tumutugma sa deskripsyon ng biktima na puntahan ang bangkay sa ABES Funeral Homes para makilala.

Show comments