^

Probinsiya

2 pang brodkaster binantaan

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Naalarma ang mga mediamen sa Davao dahil sa mga pagbabanta sa buhay ng kanilang dalawa pang kasamahang brodkaster kaya nais ng mga itong sumalang sa pagsasanay sa self defense.

Ito’y kasunod ng pamamaslang ng riding-in-tandem sa brodkaster na si Nestor Libaton ng DXHM radio /FM noong Martes (Mayo 8) matapos na pagbabarilin sa Mati City, Da­vao Oriental.

Kasunod nito, ilang araw matapos mapatay si Libaton ay dalawa pang brodkaster na kinilalang sina Lito Labra, commentator ng DXWM Sunshine FM sa Mati City at Nathaniel Quinoñes, ang nakatanggap ng mga pagbabanta sa kanilang buhay.

Si Labra ay inuulan­ ng text messages na­ su­­su­nod na itutumba habang umamin naman si Quiñones sa kaniyang facebook account na may mga nagbabanta sa kaniyang buhay.

Nanguna sa mga nais sumalang sa self defense training ay si Fr. Roland Sayman ng lokal na media sa nasabing lalawigan.

vuukle comment

DAVAO

KASUNOD

LIBATON

LITO LABRA

MATI CITY

NATHANIEL QUINO

NESTOR LIBATON

ROLAND SAYMAN

SI LABRA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with