BATANGAS, Philippines – Dalawang kalalakihan, kabilang ang dating bodyguard ng konsehal ang napatay matapos tambangan ng hindi pa nakilalang mga armadong salarin sa Ibaan, Batangas, kamakalawa ng hapon
Kinilala ni SPO1 Geronimo Sanchez, imbestigador ng Ibaan Police Station ang mga biktimang sina Dennis Encinarez, 32 ng Brgy. Bago Ibaan, Batangas at Lems Papio, 31 residente ng Brgy. Quilo, Ibaan, Batangas at dating bodyguard ni dating konsehal Francisco Favito.
Ayon sa report, sakay ng tricycle ang mga biktima galing bayan at papauwi na nang tambangan ng mga armadong suspek na sakay ng kulay puting kotse sa bisinidad ng Brgy. Coliat bandang alas- 5:42 ng hapon
Dead-on-the-spot ang dalawang biktima matapos magtamo ng mga tama ng bala ng baril samantalang tumakas naman ang mga suspek patungong Batangas City.
Narekober sa crime scene ang dalawang cal. 45 baril ng mga biktima at mga basyo ng cal. 45 at 9mm pistol.