MANILA, Philippines - Napaaga ang kamatayan ng 40-anyos na konsehal ng barangay at dalawa nitong anak matapos pagbabarilin ng mga di-kilalang kalalakihan sa liblib na bahagi ng Barangay Imelda sa bayan ng Hilongos, Leyte noong Lunes ng umaga.
Sa phone interview, kinilala ni P/Chief Inspector Ramil Amodia, hepe ng Hilongos PNP ang mag-aamang sina Vicente Lor, 40, konsehal sa Barangay Imelda; Vincent Lor, 6; at si Anthony Lor, 4.
Sa police report na nakarating sa Camp Crame, naganap ang krimen bandang alas- 5:30 ng umaga habang ang mag-aama ay patungo sana sa pagtitipon sa kanugnog na Barangay Ilog nang harangin at ratratin.
Gayon pa man, tu mang ging tukuyin ng pulisya ang pagkakakilanlan ng isa sa gunmen habang patuloy ang dragnet operation. Lumilitaw na paghihigante ang isa sa motibo matapos idemanda ng biktima ang suspek.