Kawani ng punerarya nilikida

NUEVA ECIJA,Philippines  – Napaslang ang 33-anyos na bading matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem sa harap ng kanyang mga kasamahan sa trabaho sa Barangay Palusapis, Muñoz City, Nueva Ecija noong Sabado ng gabi. Kinilala ni P/Supt. Peter N. Noboye, ang napatay na si Philip Miranda ng Barangay Villa Isla at operations officer ng Fortune Funeral Parlor. Lumilitaw na patungo ang biktima sa funeral service sakay ng Hyundai van (XJG-856), kasama ang mga kasamahan sa trabaho na sina Rex San Pedro, Sherwin Joy Jaime, Kris Edward Tabalno, Joven San Pedro, at si Rhynell Siriban nang harangin ng dalawang kalalakihang lulan ng motorsiklo. Dito na inutos ng dalawa na dumapa ang mga biktima kung saan ilang saglit ay inilabas sa loob ng van ang biktima saka niratrat.

Show comments