26-anyos nilamon ng apoy

QUEZON , Philippines  – Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng 26-anyos na lalaki matapos na makulong sa kanyang bahay na nasunog kahapon ng madaling araw sa Purok Agawin, Barangay Ibabang Dupay sa Lucena City, Quezon kahapon ng madaling araw. Ayon kay SPO1 Alvin Evangelista, dakong alas-9-20 ng gabi, sumiklab ang apoy sa ikalawang palapag ng bahay ni Edgardo Velona at kumalat hanggang sa mga kalapit bahay kabilang ang bahay ng biktimang si Alvin Edus. Bagamat malaki na ang apoy ay sinasabing umakyat ang biktima sa ikalawang palapag ng kanilang bahay upang kunin at isalba ang mahahalagang dokumento subalit hindi na ito makalabas. Bandang alas-12:40 ng madaling araw nang ganap na maapula ng mga bombero ang apoy kung saan narekober ang bangkay ng biktima.

Show comments