70-anyos nagbaril sa ulo

QUEZON, Philippines – Nagpasalubong kay kamatayan ang 70-anyos na lolo matapos na magbaril sa ulo dahil sa perang kinukwestyon ng kanyang misis, kamakalawa ng hapon sa Purok Centro, Barangay Ilayang Dupay sa Lucena City, Quezon. Batay sa imbestigasyon ni SPO1 Aldrin Andres, dakong alas-2-15 ng hapon ay nagtalo ang biktimang si Artemio Maano at ang kanyang misis na si Amelia Quisao, 60. Sinasabing inuusisa ni Quisao ang pera sa kanilang bank account dahil hindi ito tumutugma sa kwentada ng babae na kararating lamang mula sa Estados Unidos. Sa gitna ng pagtatalo ay umalis ang biktima at pagbalik ay hawak na ang homemade cal. 22 kung saan itinutok sa ulo saka nagbaril sa harapan ng kanyang common-law-wife.

Show comments