^

Probinsiya

Duwelo sa basketball: 2 bulagta, 1 kritikal

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Dalawa-katao kabilang ang isang pulis ang iniulat na nasawi habang nasa kritikal namang kalagayan ang bodyguard ni Presidential Legislative Affairs Adviser Manuel Mamba matapos ang madugong duelo sa bayan ng Tuao, Cagayan kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni P/Senior Supt. Mao Aplasca, director ng Cagayan provincial police office, ang nasawing pulis na si SPO1 Osmundo Taguinod at Carlos Baddal.

Samantala, malubha na­man­ ang bodyguard ni Mamba na si Andres Castillo na sinasabing nakaba­rilan ni Baddal.

Si Castillo ay sinasa­bing driver/bodyguard ni ex- Cagayan 3rd District Congressman at ngayo’y Presidential Legislative Affairs Adviser Manuel Mamba.

Ayon kay P/Senior Inspector Elias Tanguilan, dakong alas-10:45 ng gabi nang rumesponde si SPO1 Taguinod matapos na makatanggap ng impormasyon na nagkakagulo sa tapat ng gymnasium kung saan ginaganap ang paliga sa basketball sa Naruangan East sa nasabing bayan.

Nabatid na tinangkang awatin ni SPO1 Taguinod ang dalawa na kapwa bumunot ng baril pero nagba­rilan pa rin kaya tinamaan sa dibdib ang pulis.

Inaalam na ng pulisya kung kaninong baril ang balang tumama kay SPO1 Taguinod gayundin ang pinag-ugatan ng duelo.

ANDRES CASTILLO

CARLOS BADDAL

DISTRICT CONGRESSMAN

MAO APLASCA

NARUANGAN EAST

OSMUNDO TAGUINOD

PRESIDENTIAL LEGISLATIVE AFFAIRS ADVISER MANUEL MAMBA

SENIOR INSPECTOR ELIAS TANGUILAN

SENIOR SUPT

TAGUINOD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with