^

Probinsiya

8 pulis nagpositibo sa drug test

- Ni Freeman News Service -

CEBU CITY, Philippines  – Nalalagay sa balag ng alanganing masibak sa tungkulin ang walong pulis makaraang magpositibo sa bawal na droga sa isinagawang sorpresang drug test ng Cebu City Police Office (CCPO) sa Camp Sotero Cabahug sa Gorordo Avenue, Cebu City, Cebu kamakalawa.

Lumilitaw na 26 pulis mula sa iba’t ibang presinto ang pinapunta sa nasabing kampo para dumalo sa seminar subalit lingid sa kanila ay isasailalim sila sa drug test.

Ayon pa sa ulat, ilang pulis na naantala sa pagda­ting sa nasabing kampo ay tinangkang umiwas matapos mamataan ang drug test kits subalit hinadlangan sila ng mga opisyal.

Nabatid din sa ulat na sasailalim sa imbestigasyon ang tatlong pulis na hindi dumalo matapos matunugan ang drug test imbes na seminar.

Pansamantalang hindi muna isiniwalat ang pagkakakilanlan ng walong pulis habang hinihintay ang resulta ng confirmatory test sa susunod na linggo, ayon kay P/Senior Insp. Mary Sheila Atienza, Crime Laboratory forensic chemist.

Ayon kay CCPO director Melvin Ramon Buenafe, sakaling mapatunayang positibo sa bawal na droga ang walong pulis sa confirmatory tests sasailalim sila sa imbestigasyon at pre-charge proceedings.

Samantala, bilang halimbawa sa kapulisan ay bo­luntaryong nagpa-drug test sina Cebu City Police Office Director Melvin Ramon Buenafe together with P/Supt. Rey Tiempo, hepe ng CCPO operations branch; Renero Augustin, hepe ng Anti Illegal Drug Special Operation Team; at si Talamban PNP Station Chief Michael Beltran.

AYON

CAMP SOTERO CABAHUG

CEBU CITY

CEBU CITY POLICE OFFICE

CEBU CITY POLICE OFFICE DIRECTOR MELVIN RAMON BUENAFE

CRIME LABORATORY

DRUG SPECIAL OPERATION TEAM

GORORDO AVENUE

MARY SHEILA ATIENZA

MELVIN RAMON BUENAFE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with