CABANATUAN CITY, Nueva Ecija, Philippines – Pinaniniwalaang love triangle ang isa sa motibo kaya niratrat at napatay ang 41-anyos ng riding-in-tandem sa Sampaguita Street, Purok 4 sa Barangay Magsaysay Sur, Cabanatuan City, Nueva Ecija kamakalawa ng gabi. Naisugod pa sa Wesleyan Cardio Vascular General Hospital subalit idineklarang patay si Rommel Mariano ng Barangay Buhangin, Baler, Aurora, at pansamantalang nakatira sa apartment na pag-aari ni Barangay Kagawad Bobong Lacson. Lumilitaw na nakatayo ang biktima sa labas ng apartment nang lapitan at pagbabarilin.