Tinedyer pinabulagta
CAVITE, Philippines - Binaril at napatay ang 15-anyos na tinedyer ng riding-in-tandem sa panibagong karahasang naganap kamakalawa ng umaga sa Barangay Gregoria de Jesus sa bayan ng General Mariano Alvarez, Cavite. Sa ulat ni PO1 Jayson Feranil, bandang alas-7 ng umaga nang barilin ang biktimang si Jazon Villanueva ng Lower Moonlight. Napag-alamang nakatayo lamang ang biktima malapit sa kanyang tahanan nang nakasalubong si kamatayan. Sinisilip ng pulisya ang anggulong frat war o kaya love triangle ang isa sa motibo sa pamamaslang.
- Latest
- Trending