CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines - Brutal na kamatayan ang sinapit ng 7-anyos na nene matapos halayin ay pinagsasaksak hanggang sa mapatay ng kanyang kapitbahay na lalaki sa Purok 2, Barangay Bagacay sa bayan ng Labo, Camarines Norte kamakalawa ng hapon. Bandang alas-5:30 ng hapon nang matagpuan ang duguang katawan ni Aramin Catamco na nakabulagta sa liblib na bahagi ng nasabing barangay. Tugis nang pulisya ang suspek na si Jomer Adona, 25.