Hukom dedo sa ambush
MANILA, Philippines - Napatay ang 62-anyos na hukom matapos na pagbabarilin ng dalawang armadong kalalakihan sa kahabaan ng national highway sa Barangay Manalad sa bayan ng Ilog, Negros Occidental noong Martes ng gabi.
Kinilala ni P/Senior Supt. Allan Guisihan ang biktima na si Judge Henry Arles ng Kabankalan City Regional Trial Court Branch 61.
Naisugod pa sa Southern Negros Hospital subalit idineklarang patay ang biktima matapos mapuruhan sa katawan.
Ayon sa imbestigasyon, pauwi ang biktima sa Barangay Dangkalan lulan ng Nissan Sentra nang harangan at ratratin ng mga armadong lalaki.
Kasabay nito, bumuo na ng Task Force Arles sa pamumuno ni P/Supt. Leo Erwin Agpangan, deputy provincial director for administration ng Negros PNP.
Isa sa mga anggulong sinisilip ng pulisya ay posibleng may kinalaman ito sa trabaho ng biktima.
Si Arles na naging hukom noong 2000 ay tumanggap ng mga parangal sa Chief Justice Ramon Avanceña Award, Rotary Club of Manila dahil sa pagkakaresolba ng pinakamaraming kaso sa korte sa Western Visayas.
Pinagkalooban din ng parangal ang biktima ng Judicial Excellence Award mula sa Negros Occidental Regional Trial Court Judges Association.
Ang biktima ay silver medalist honoree graduate ng San Beda College. (Joy Cantos with trainees Aira Maria Aguilar at Love Mayores)
- Latest
- Trending