^

Probinsiya

11 sundalo, 1 sibilyan utas sa NPA

- Nina Joy Cantos, Raymund Catindig at Victor Martin -

MANILA, Philippines - Labing isang sundalo at isang sibilyan ang iniulat na napatay makaraang tambangan ng mga rebeldeng New People’s Army sa Sitio Buhyo, Barangay Gumhang sa bayan ng Tinoc, Ifugao kahapon ng umaga.

Sa phone interview, kinumpirma ni Col. Miguel Puyao, spokesman ng Army’s 5th Infantry Division, bandang alas-8 ng umaga nang sumiklab ang pana­nambang laban sa tropa ng Army’s 86th Infantry Batta­lion sa nasabing barangay.

Kabilang sa mga nasa­wing sundalo ay sina Capt. Seigfred Kafilas, Staff Sgt. Domingo Torres, Cpl Esmael Lazaro, Pfc Ronel Salud, Pfc Kennedy Ragutero, Pfc Dan Jun Viloria, Pfc Jojo Dawaton, Pfc Crismar David, Pfc Ferdinand Naliw si Pfc Ro­nald Lorenzo at ang sibilyang si Imee Labog ng Solano, Nueva Vizcaya kung saan dinala na ang mga bangkay sa kampo ng Army’s 5th ID sa bayan ng Gamu, Isabela.

Kinilala naman ang mga nasugatan na sina 2nd Lt. Nimrad Lavapiez, Pfc Lopez  Pfc Sanadan at ang sibilyang si Jefferson de la Cruz na miyembro ng banda.

Lumilitaw na lulan ang tropa ng mga sundalo ng dalawang KM450 at M35 vehicle nang tambangan ng mga rebelde kung saan gumanti naman ang mga sundalo hanggang sa umatras ang grupo ng NPA.

Nabatid na ang mga ito ay pinalitan sa tropa ng Charlie Company  sa bayan ng Tinoc at pabalik na sa himpilan ng 86th Infantry Battalion sa ilalim ni Lt. Col. Eugene Batara sa bayan ng Kiangan nang maganap ang pananambang.(dagdag ulat ni Artemio Dumlao)

vuukle comment

ARTEMIO DUMLAO

BARANGAY GUMHANG

CHARLIE COMPANY

CPL ESMAEL LAZARO

DOMINGO TORRES

EUGENE BATARA

IMEE LABOG

INFANTRY BATTA

PFC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with