Amerikano nalunod

MANILA, Philippines - Nauwi sa trahedya ang pagbabakasyon ng 29-anyos na Kano makaraan itong malunod sa swimming pool sa Barangay Cutcut, Angeles City, Pampanga kamakalawa. Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang biktima na si Raymond Earl Hogan, may asawang Pinay at idineklarang patay sa Angeles City Medical Hospital. Bandang alas-3 ng hapon nang makasalubong ng biktima si kamatayan sa Grass and Bamboo Club sa Carmenville Subdivision sa nabanggit na barangay. Nabatid na ang biktima kasama ang ilang kaibigan at mga kamag-anak ng kaniyang misis ay nagtungo sa nasabing lugar upang mag-swimming dahil sa matin­ding init ng panahon. Gayon pa man, napansin ng mga kasamang sina Karl Lester Samson at Roger Manalang na hindi na gumagalaw ang biktima sa swimming pool kaya mabilis na iniahon kung saan hindi na ito umabot ng buhay sa nasabing ospital.

Show comments