Misis tumalon sa trike, todas

QUEZON, Philippines  - Basag ang bao ng ulo at namatay noon din ang 43-anyos na misis matapos na tumalon mula sa traysikel sa kahabaan ng National Road, Barangay Poblacion Uno sa bayan ng Real, Quezon, kamakalawa ng hapon. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Jenny Ebuenga, tubong Legazpi City at kasaluku­yang naninirahan sa Gawad Kalinga Poblacion 61.Sa imbestigasyon ni SPO1 Noel Ferrer, dakong alas-4:30 ng hapon lulan ng traysikel ang biktima at isa pang pasahero nang biglang tumalon ito kung saan lumagapak sa aspaltadong kalsada. Hindi naman makapaniwala ang isa pang pasahero at ang driver ng trike na si Jerrymie Mangtilla sa ginawa ng biktima na pinaniniwalaang may malaking problema.

Show comments