6 na tulak tiklo sa buy-bust

BULACAN, Philippines – Rehas na bakal ang binagsakan ng anim na kalalakihan na sinasabing tulak ng bawal na droga matapos maaresto ng pulisya sa magkakahiwalay na operasyon sa Meycauayan City, Bulacan kahapon. Pormal na kinasuhan habang nakakulong ang mga suspek na sina Jonathan Perez ng Brgy. Bancal Ext.; Orlando Legaspi ng Brgy. Zamora, Wilson Morte ng Brgy. Malhacan kapwa sa Meycauayan City; Limuel Fajardo ng Brgy. Tarcan sa Baliwag; Jordan Jose ng Brgy. Sulucan,Bocaue; at si Arnold Garcia ng Brgy. Sta. Rita Bata, San Miguel, Bulacan.  Base sa police report nakarating kay P/Senior Insp. Randy, nasamsam sa mga suspek ang 8-piraso ng plastic sachet ng shabu, mga drug paraphenalia at mga marked money na ginamit sa buy-bust operation.

Show comments