Municipal councilor itinumba

TACLOBAN CITY, Philippines – Napaslang ang municipal councilor matapos ratratin ng motorcycle-riding gunmen sa labas ng kanyang bahay sa Barangay 13 sa Poblacion sa bayan ng Dolores, Eastern Samar kamakalawa ng umaga. Kinilala ng pulisya ang napatay na si Councilor Bonifacio Tan, Jr. ng nasa­bing bayan. Base sa ulat na nakarating kay P/Senior Supt. Emmanuel Cubillo, director ng Eastern Samar PNP, lumilitaw na naglalakad ang biktima sa labas ng kanyang tahanan nang lapitan at pagbabarilin ng dalawang naka-helmet na lalaki na lulan ng motorsiklo. Narekober sa crime scene ang apat na basyo ng cal. 45 pistol at slug ng cal. 9mm. Samantala, sa follow-up operation ng pulisya nadakma naman ang driver ng motorsiklo na pansamantalang hindi muna isiniwalat ang pagkakakilanlan habang nagpapatuloy ang imbestigasyon. Freeman News Service

Show comments