CEBU, Philippines – Napatunayang guilty sa kasong panghaharas ng reporter ng pahayagan ang dating Talisay City police chief na si P/Supt.Henry Biñas kaya pinatawan ng 7-araw na suspensyon ng Police Regional Office (PRO)7.
Kinumpirma naman kamakalawa ni Biñas na napatunayang siya ay guilty sa kasong harassing the reporter.
Naipaabot kay Binas ng kanyang legal counsel na si Neil Nuñez ang desisyon ng PRO-7 subalit hinihintay pa nila ang notice ng suspension kaugnay sa nasabing kaso.
“I will respect PRO-7’s discussion on my case. But I maintain my innocence that I did not harass her,” pahayag ni Biñas. “What I did to the reporter last year was merely a friendly act, with no malicious intent to harass her,” dagdag pa ni Biñas.
Base sa affidavit ng biktima, sinasabing hinatak siya ni Biñas, placed his hand on her breast at attempted to kiss her on the cheek.
Sinuportahan naman ang reklamo ng reporter matapos magpalabas ng resolution ang Cebu Federation of Beat Journalists (CFBJ) nag-aatas sa pamunuan ng pulisya na imbestigahan ang nasabing isyu. Freeman News Service