Senglot lasog sa tren

MANILA, Philippines - Nalasog ang katawan ng 43-anyos na senglot makaraang masagasaan at makaladkad pa ng rumaragasang tren sa bayan ng Cabuyao, Laguna noong Biyernes ng gabi. Base sa police report na nakarating sa Camp Crame naganap ang insidente dakong alas-10 ng gabi kung saan galing sa inuman ang biktimang si Edwin Mananquil. Dahil sa sobrang kalasi­ngan ay sinasabing umupo ito sa riles at nakatulog kung saan hindi napansin ang paparating na tren ng PNR. Bunga ng insidente ay tuluy-tuloy na nabangga nang humahagibis na tren ang biktima na sa kamalasan ay nakaladkad pa ng ilang metro.

Show comments