Anak kinatay ng ama

TUGUEGARAO CITY, Philippines- Dahil sa pangungutya sa nilutong putahe ng ulam , isang 25-anyos na binata ang pinagsasaksak hanggang sa mapatay ng sariling ama sa Brgy. Centro Sur, Sto. Niño, Cagayan, kamakalawa. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Pepito Evangelista, College graduate at residente ng nasabing barangay. Nahaharap naman sa kasong parricide ang ama nito na si Eligio, 58 anyos. Nabatid na nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng mag-ama matapos pintasan ng biktima ang luto ng matanda na labis nitong ipinagdamdam. Sa tindi ng sama ng loob ay pinagsasaksak ng suspek ang anak na siya nitong ikinasawi. Sumuko naman sa mga awtoridad ang suspek para panagutan ng krimen.

Show comments