Mag-utol utas sa ulam na butete
QUEZON, Philippines – Bumulagta ang magkapatid na bata habang naisugod naman sa ospital ang siyam na iba pa matapos maghapunan ng butete, kamakalawa ng gabi sa Barangay Apad sa bayan ng Jomalig, Quezon. Namatay habang ginagamot sa ospital ang mag-utol na Noriel Roldan Jr., 2; at Julie Ann, 3. Patuloy namang ginagamot ang mga nalasong sina Noriel Roldan Sr., 24; Novie Roldan, 29; Noli Roldan, 37; Jomar Binaligan, 15; Rosario Palmes, Russel Palmes, 4; Melody Dequiroz, 30; Randy Palmes, 37; at si Bea Palmes, 2, na pawang nakatira sa nasabing barangay. Sa ulat ng pulisya, lumilitaw na niluto ng mga biktima ang nalambat na mga isdang butete kung saan magkakasalo sa hapunan nang makaramdam ng pagkahilo at pagsusuka. Kaagad na naisugod sa health center ang mga biktima subalit namatay habang ginagamot ang magkapatid.
- Latest
- Trending