Misis inutas sa sakal ng mister

TUGUEGARAO CITY, Philippines  – Pinaniniwalaang matinding selos ang isa sa motibo kaya sinakal hanggang sa mapa­tay ang 27-anyos na misis ng kanyang mister sa loob ng kanilang tahanan sa Barangay Pangil sa bayan ng Pasiquin, Ilocos Norte kamakalawa. Kinilala ni P/Senior Insp. Joseph Baltazar ang napatay na misis na si Michelle Cardona kung saan idineklarang patay sa Bacarra Medical Center. Samantala, sumuko naman ang suspek na si Romulo Cardona, 25, Matapos isugod sa nasabing ospital ang kanyang misis.

Show comments