2 kawani dinedo sa palayan

CAVITE, Philippines - Dalawang kawani ng pribadong kompanya ang iniulat na napatay matapos pagtatagain ng mga di-kilalang kalalakihan sa bahagi ng Barangay Santol sa bayan ng Tanza, Cavite kahapon ng umaga. Kinilala ang mga napatay na sina Gary Silva, at isang nakilala lamang sa pangalang Ronilo na kapwa empleyado sa Mark Jom Claude Trading sa nasabing lugar. Ang bangkay ng dalawa ay natagpuan sa irigasyon sa palayan bandang alas-7 ng umaga habang patuloy naman ang imbestigasyon.

Show comments