MANILA, Philippines - Umaabot sa US$1,600 halaga ng ari-arian ang natangay sa 26-anyos na turistang Hapones matapos pasukin ang tinutuluyang kuwarto habang nasa diving resort sa Boracay Island, Malay, Aklan noong Linggo, ayon sa ulat kahapon.
Sa ipinadalang ulat ng Boracay Special Tourist PNP Office sa Camp Crame, kinilala ang biktima na si Masuzu Tomonaga.
Bandang alas-10:40 ng gabi nang bumalik ang biktima sa Boracay White–Blue Diving Services sa Station 3, Sitio Ambulong sa Brgy. Manoc-Manoc nang madiskubre nitong ninakaw ang kaniyang mga kagamitan.
Kabilang sa mga ninakaw na ari-arian ay ang Olympus digital camera (US$ 600), Sony laptop (US$500) at Apple iphone (US$ 500).
Hindi umano napansin ng mga kawani ng diving resort ang pagpasok ng kawatan sa silid ng biktima kaya naganap ang insidente.
Kabilang sa sinisilip na anggulong ay ang inside job.