14-anyos anak ni-rape ng ama
CEBU, Philippines – Upang matiyak na virgin pa ang 14-anyos na dalagita ay hinalay ito ng sariling ama sa loob ng kanilang bahay sa Sitio Pislok, Barangay Mancilang sa bayan ng Madridejos, Cebu noong Huwebes ng hapon. Ayon kay SPO1 Antonio Balmori, kahit na nasa loob ng bahay ang tatlo pang anak ay nagawa pa rin ng 44-anyos na suspek na lango sa alak ang maitim na balak sa biktima. Kaagad naman nagtungo sa himpilan ng pulisya ang nakatatandang utol ng biktima para ipaalam ang krimen kung saan mabilis naman nadakma ang suspek. Ang biktima ay sumasailalim na sa stress debriefing sa pink room ng Don Vicente Sotto Memorial Medical Center na sinuportahan ng Department of Social Welfare and Development. Freeman News Service
- Latest
- Trending