3 utas, 33 sugatan sa granada
ALEOSAN, North Cotabato, Philippines – Tatlo-katao ang nalasog at nasawi habang aabot naman sa 33-katao ang nasugatan matapos sumabog ang granada na inihagis ng di-kilalang lalaki sa gitna mismo ng sabungan sa Sitio Lapu-Lapu, Barangay Lawili sa bayan ng Aleosan, North Cotabato kamakalawa ng hapon. Kabilang sa mga nasawi ay sina Jose Mario dela Pena, 40; Fermin Caloquin, at Vicente Sabando, pawang nakatira sa bayan ng Aleosan. Sugatan naman sina Elizardo Pastolero, Felix Palag, Benito Cabangisan, Hermie Canaway, Remie Sabando, Domingo Cabaluna, Kagawad Quilos Manalinding, Silvestre Bernadio, Jobert dela Pena, Primo Claro, Tito Cagbay, Modesto Barte, Romeo Camancho, Joey Camino, Ronald Calaor, Rodel Salares, Antonio Aquita, Loperto dela Pena, William Estrellado, Renanto Magsipoc,Vicente Saga, Joseph Antonio, Rex Cabalfin, Mamero Cansancio, George Cansancio, Victor Caballero, Glen Tahad, Jonas Salupiza, Jimmy Osorio, Bernardo Caingcoy, Inicito Quinones, Hononcio Banisio, Lazaro Pastolero. Ayon kay North Cotabato PNP director P/Senior Supt Cornelio Salinas, inihagis ang granada sa gitna ng sabungan.
Inaalam pa ng pulisya kung may katotohanan ang kumakalat na report na posibleng gawa ng mga itinuturing na ‘jihadist’ na tutol sa sabong, paglalasing, at pambababae ang naturang pagpapasabog. Malu Cadelina Manar at Ricky Tulipat
- Latest
- Trending