Bus nasunog sa uling

LUCENA CITY, Philippines  – Dahil sa kargamentong uling nagliyab ang isang pampasaherong bus habang ito ay tumatahak sa kahabaan ng Maharika Highway na sakop ng Brgy. Domoit ng lungsod na ito, kamakalawa ng gabi.

Ayon sa ulat ng pulisya dakong alas-7:30 ng gabi habang bumabagtas ang AB Liner Liner na may body number 51088 na patu­ngong Cubao ay bigla na lamang sumiklab ang apoy mula sa baggage compartment nito.

Agad na inihinto ng dri­ver na si Frederick Penaflorida ng Guinyangan, Quezon ang bus at mabilis na tumawag sa Bureau of Fire Protection (BFP).

Batay sa pagsisiyasat ng BFP, lumalabas na nagni­ngas ang kargang uling ng bus mula sa itinapong upos ng sigarilyo ng di pa tukoy na pasahero. Wala namang nasaktan sa nasabing insidente na tu­magal lamang ng kalahating oras.

Show comments