Pumalag sa karnaper itinumba

QUEZON, Philippines  - Kamatayan ang sinapit ng 44-anyos na traysikel driver na sinasa­bing pumalag sa dalawang di-kilalang lalaki na tangkang mang-agaw ng kanyang motorsiklo matapos itong ratratin sa bisinidad ng Del Valle Street sa Barangay Poblacion, Candelaria, Quezon kamakalawa ng hapon. Namatay habang ginagamot sa Peter Paul Hospital sanhi ng tama ng apat na bala ng cal. 45 pistol ang biktimang si Benedicto Fabulde ng Barangay Masin Sur. Ayon kay SPO3 Menardo del Mundo, dakong alas-5-50 ng hapon ay itinetest-drive ng biktima ang kanyang bagong motorsiklo nang lapitan ng dalawang lalaki na nakamotorsiklo matapos itong huminto. harapan ng bahay ng kanyang kaibigan. Tinangkang agawin ng dalawang karnaper ang motorsiklo subalit nanlaban ang biktima kaya pinagbabaril ito. 

Show comments